Goals

Personal Goals
Furbabies vaccine completion - In-progress (Target Oct 2020)
Master in Management completion in APC - In-progress (Target Nov 2021)
Master of Project Management / Master of Project and Program Management admission in UoS - Planned (Winter 2021)
PP's B&B Inn Lot - Planned (Target June 2021)

Travel Goals
Batanes, Australia, Iceland, Switzerland, Finland, Italy, Netherlands, Germany, Denmark, Sweden, Russia

"Focus on your goals."

I can do all things thru Christ who strengthens me. -Philippians 4:13

Thursday, May 30, 2024

Just some thoughts…

Bigla ko lang naalala. Well, it doesn't matter naman. Let's just treat this as lesson learned.

You mention na "hindi naman tayo ganito dati".

Dati andun tayo sa bahay namin. You were okay pero in reality hindi at ramdam ko yun. At sinabi ko sa sarili ko after my previous ex na never ko na ititira sa bahay ang partner ko dahil mahirap sa part nya at sa part ko - dalawang masters sinusunod ko (nanay ko at partner ko).

Nagbukod tayo sa Valenzuela. Okay naman tayo dun kahit naghirap tayo sa una.

It starts falling apart nung lumipat tayo dito with your sister. I thought mas okay kasama family mo kesa family ko. I thought okay lang makisama sa family mo. At requirement mo yan sakin. Pero parang same lang pala. You always side with your family than me. Hindi ko rin pede iblame ang family mo dahil alam ko magccause na naman ng away. Dahil alam ko na mas priority mo sila kesa sakin o satin. Kaya hinayaan ko nalang kasi kasalanan ko naman dahil ako naginvite sa kapatid mo. 😅

Narealize ko lang lahat ng to pagkalipas ng ilang buwan na sinabi ko kay Cha na kasama natin kapatid mo sa bahay. Kaya pala ganun nalang sya magreact. Maling mali talaga na may kasamang family member sa bahay lalo na pag may own family kana… 😅 Kasi pag may mali, di macoconfront ng partner mo ang family mo. Tapos lagi ka magsiside sa family mo kesa sa partner mo.

Yun lang. These are just one of the reasons why I got tired of our relationship. 😅

No comments: