Goals

Personal Goals
Furbabies vaccine completion - In-progress (Target Oct 2020)
Master in Management completion in APC - In-progress (Target Nov 2021)
Master of Project Management / Master of Project and Program Management admission in UoS - Planned (Winter 2021)
PP's B&B Inn Lot - Planned (Target June 2021)

Travel Goals
Batanes, Australia, Iceland, Switzerland, Finland, Italy, Netherlands, Germany, Denmark, Sweden, Russia

"Focus on your goals."

I can do all things thru Christ who strengthens me. -Philippians 4:13

Thursday, July 23, 2026

Rants to Padaba

Since I can’t communicate this directly to padaba, afraid that I will be told again “dami mo sinasabi. Block kita eh”, I’ll just say it all here. Is this the correct way of communicating with your partner? - laging pinapatayan ng call in the middle of conversation - laging binabalaan ng “block kita eh” - laging sinasabihan na “dami mong sinasabi. Maghanap ka ng ibang kausap” Instead na patulan ang ito at baka mag escalate pa, hinahayaan ko nalang. - walang pagsuyo - walang pagmamakaawa - walang pagpupumilit - walang response Tanging katahimikan lang. Minor issue: Nasabi ko na magkita before ang alis ko ng July 15. Pero dahil may kailangan syang gawin na mas importante, inintindi ko. Hindi ko na pinilit at baka masabihan pa ng “hirap ka makaintindi?” Kahit na ganun, nangako ang padaba na magkita kami pagkauwi na pagkauwi ko. Pero ilang araw bago ang pagbalik ko ng Manila, nagsabi sya na next time nalang at may event sila 2 days after. Ito ay inintindi ko ulit at hinayaan ko nalang. Sanay naman na ako sa hindi pagtupad ng mga binibitawang salita. Kahit na ganun pa naman, di naman ako nagtampo o ano pa man. Sa araw ng event, ilang oras sya bago umuwi, nagsabi sya na pupunta sya. Pero sa oras ng uwian nya, bigla nya ito binawi dahil tinatamad daw sya. Tumawa nalang ako at hinayaan ko ulit. Ano nangyari? Naging busy ako 2-3 days mula pagkauwi ko ng Manila. Naglinis ng apt, naglaba ng 2 days, nagpaligo ng aso, nag asikaso ng mga pusa, trabaho ng backlog sa office, inasikaso ang papers sa property, nag asikaso ng medical records ko, nag asikaso ng insurance at financial accounts, etc. Kaya sobrang productive ko sa mga nakalipas na araw - sobra dami ko nagawa at natapos. 😅 Pero lahat ng yun ay di ko na sinabi sa kanya dahil baka mastress pa sya sa dami ng responsibilidad ko sa buhay. 😅 at masabihan na naman na “dami mo sinasabi, block kita eh”. Pero pag magcchat o tatawag si padaba, kailangan mabilis kong sasagutin na para bang “wala ako pake kung ano ginagawa mo, sagutin mo ko”. Pero pag ako naman ang magcchat o tatawag, 10 years bago sagutin. 😑 Pero alam ko naman na busy sya. Naiintindihan ko naman yun. Kaya ngayon, ayaw ko nalang sya patulan kapag nagtotoyo o nagtatampo. Kasi kung tutuusin, may tampo rin naman dapat ako. Pero binabalewala ko nalang kasi may mga bagay na mas importante pa kailangan gawin o tapusin. About sa 2nd year anniversary: Medyo tinatamad narin ako magplano ng ganap namin. Maganda sana out of town na walang signal para talaga focus sya sakin at sa amin, kesa naka glue sa cellphone tuwing magkasama kami kumakain sa labas. Pero kahit ano isuggest ko, automatic response ay “ayaw ko”. Pag nagpumilit kapa, sasagutin kapa ng “bahala ka, pumunta ka mag isa”. Sino ba gaganahan sa ganyan? Kahit gaano kapa ka enthusiastic sa pakikipagusap sa kanya, kung lagi ka nya binabara o binabalewala, mawawalan ka talaga ng gana. In the end, wala kana gagawin at mag go with the flow kana lang sa kung ano mangyari sa inyo. Summary: Humahaba ang pasensya ko sa tuwing nakikipagusap ako kay padaba. Iniintindi ko nalang sya at binabalewala ko nalang kung ano maramdaman ko. Ginagawa ko nalang yung ibang responsibilidad at hobbies ko na nagpapasaya sakin. Kung san masaya si padaba, sige go. Di ko naman responsibilidad pangaralan sya dahil nasa tamang edad na sya at alam na nya ginagawa nya. At di ako magulang nya para gawin yun. 🀪 Basta ako, di ko na dapat damdamin kung pano nya ko pakitunguhan at hayaan ko nalang sya. We’re in a relationship, partners, tulungan. Hindi dapat nagsasalita ng masasakit o di maganda sa isat isa. Dapat may respect parin sa bawat isa kahit gaano kainis o kagalit ka sa partner mo. Note: I should not make a big deal sa mga bagay bagay. Sabi nga ni doc, “put your health first.” 😉